markaiven's blog with http://www.markaiven.co.nr

Friday, December 09, 2005

matinding antok ko ngaun....

Grabe..sisimulan ko ang story sa pag punta ko ng pagkakatipon sa San Isidro...nasalubong ko si Bro Greg..at pag pasok namin sa gate ng lokal ay agad kaming nag pa attendance. At kumuha rin kami ng raffle ticket para sa COP. At nang matapos na ang pagkakatipon sa isang napakagandang paksa na inihanda ni Kapatid na Eli, ay ang announcment na ng mga nanalo sa raffle. Sa di inaasahang pangyayari ay narinig ko ang aking pangalan na nanalo ng isang spagetti. Ang saya!


Pagkatapos pumunta kami ni Megs sa lokal ng Las PiƱas na dala ang SONY MVC CD300 digital camera..at nag picture picture..nooy kasalukuyang ginaganap ang miting ng mga G-cos ng South.


Thursday, December 01, 2005

MAG PATONG-PATONG NA KAYO

Kabi-kabila ang ginagawang paraan ng mga iba't ibang relihiyon upang mapa-bagsaak ang pag-babandila ng mga katuwiran ng Dios sa himpapawid. Mayroong nanunumpa na dadapuan ng isang matinding sakit, meron din namang nag papalabas ng malalaswang mga babasahin upang siya'y siraan nandiyan din ang kabi-kabilang demanda ng mga ministro ni manalo na walang basehan na puro imbensyon at mga katha.. Na sabi nga sa Biblia ay

Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.

Nangininig na naman sa takot ang mga bulaang pastor dahil isang bagong programa na ang title ay "SHOWDOWN" sa intro palang ay tiyak na kakatakutan nila lalo na ng mga ministro ng iglesya ni manalo.



kaya ang masasabi ko....
MAGPATONG PATONG NA KAYONG MGA MANLOLOKONG PASTOR, HINDI NINYO KAYA SI BRO. ELI!